Drayber nakatulog; 1 patay, 5 sugatan

ISANG drayber ng pampasaherong van ang hinihinalang nakatulog habang nagmamaneho na nagresulta ng pagkahulog ng naturang sasakyan sa isang tulay at ikinasawi nang isa at ikinasugat ng lima pang pasahero sa lalawigan ng Saranggani.

Nakilala ang nasawi na si Marly Malalis, empleyado ng DSWD at residente ng Palimbang, Sultan Kudarat habang ang mga nasugatan naman ay sina Lydia Balayo, 76; Sandra Antaw, 23; Zenaida Antaw, 6; Rosita Botak, 38; at Baylo Gonda Uyab, 18; pawang mga taga Palimbang, Sultan Kudarat.

Patungong bayan ng Palimbang umano ang naturang van subalit pagdating nito sa isang tulay sa Maitum, Saranggani ay nahulog na lang ito.

Pinaniniwalaan ng mga pasaherong sakay ng van na nakatulog umano ang drayber dahil sa wala naman itong kasalubong nang mangyari ang aksidente.

Samantala, ang mga sugatang pasahero ay nadala na sa pagamutan sa bayan ng Maitum samantalang ang biktimang namatay ay idineklara itong dead on arrival sa pagamutan sa General Santos City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply