Driver tinepok sa loob ng taxi sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng pulisya ang pagkakamatay ng isang taxi driver na natagpuang wala nang buhay sa kanyang sasakyan sa Maynila, umaga ng Nobyembre 14.

Ayon sa report ng dzBB, natagpuan ang sasakyan bandang 5:00 a.m. sa may kanto ng Tayuman at Ipil Streets sa Sta. Cruz, Maynila.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nilabas ng biktima ang kanyang taxi bandang 4:30 a.m.

Natagpuan naman sa insidente ang basyo ng bala ng cal-.45 sa loob mismo ng sasakyan at patuloy namang iniimbestigahan ang marka ng tama ng bala sa bintana nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply