Driver utas sa riding on tandem

NAPATAY ang isang driver nang umatake ang riding on tandem na muling umeksena na naman sa lungsod ng General Santos kaninang alas-12:30 ng madaling-araw.

Ang biktima ay kilalang si Moshar Piang, isang tricycle driver at nakatira sa Purok Maguindanao, Barangay Labangal sa lungsod na tinamaan ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng Pendatun Police Station, nasa Salaza Street ang biktima nang biglang tambangan ng dalawang suspek na nakasakay sa isang XRM na kulay pulang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Nang masiguro ng mga suspek na patay na ang biktima, tumakas ang mga ito habang dead on the spot namang  ang biktima.  Umabot sa 15 empty shells ng kalibre .45 ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari habang agad namang inilibing ang biktima na isang Muslim. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply