Drivers isasailalim sa accident prevention courses

PARA masugpo ang lumalalang aksidente sa kalsada, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sumailalim ang mga tsuper sa accident prevention courses.

Sa House Bill no. 5436 na inihain nina Reps. Mariano Michael Velarde at Irwin Tieng (BUHAY, Party-list) inaatasan ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na i-evaluate, i-approve at i-accredit ang motor vehicle accident prevention courses at i-require ang lahat ng driver na sumailalim sa kurso bago sila kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho.

Ayon kay Tieng, batay sa Department of Health ang aksidente sa kalsada ang ika-apat ngayon na sanhi ng pagkamatay.

“Kapag ito ay nagpatuloy, ito ang pangunahing sanhi ng pagkamatay bago dumating ang 2020,” dagdag pa ni Tieng.

Ayon naman kay Velarde, iniulat ng MMDA at PNP na 80% ang road accident ay sanhi ng human error, habang 64% ang laging sinasabi ng driver na nasira ang sasakyan.

May 50 aksidente ang nangyayari araw-araw. 78% sa populasyon ang sumasakay sa jeep, buses, taxi, train at tricycle.

Sa ulat, 44% ang umamin na ang aksidente ay sanhi ng sobrang tulin ng sasakyan at 22% ay hindi pagsunod sa mga alituntunin sa trapiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply