Drug test sa drivers ipinatatabla sa LTO

IPINATATANGGAL ni Sen. Vicente Sotto III ang mandatory drug testing sa pagkuha ng panibagong lisensiya ng mga driver dahil malimit namang nasasangkot sila sa aksidente kaya nagiging inutil ang pakataran ng Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ni Sotto na walang silbi ang drug test sa mga driver dahil sa patuloy pa rin silang nasasangkot sa disgrasya sa kalsada.

Pinaliwanag pa nito na kung naging epektibo ang drug test, hindi na sana pinatupad ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang 60 kilometer per hour na speed limit sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa Macapagal Boulevard na pinaghahatian ng lungsod ng Pasay at Parañaque.

Dinagdag pa ni Sotto na pabigat din sa bulsa ng mga driver ang halos P 400 na bayad sa drug test, kung saan ang mga drug test center at ang Land Transportation Office (LTO) lamang ang lubos na nakikinabang dito dahil sa dagdag na kita.

Inirekomenda nito sa kanyang panukalang batas na isailalim na lamang sa drug test ang isang tao kapag siya ay naka-aksidente sa kalsada o kaya ay nasangkot sa krimen.

Sinabi naman ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, na malaki ang tsansang maisabatas ito bago matapos ang 15th Congress sa 2015.

Ikinuwento ni Honasan na mismong sina Sen. Franklin Drilon, chairman ng senate committee on finance, at Sen. Ralph Recto, chairman ng ways and means committee, ang tumutulak sa kanya na madaliin ang pagpapatibay ng nasabing panukala na magbibigay kaginhawaan sa mga driver sa buong bansa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply