DTI maglalabas ng SRP para sa Noche Buena items

TINIYAK ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Nueva Ecija na mahigpit nitong ipatutupad ang Suggested Retail Price (SRP) sa mga produktong pang-Noche Buena.

Sinabi ni DTI Provincial Director Brigida Pili na hindi gagalaw ang presyo ng mga naturang bilihin dahil sa pipigilan din nila ang mga negosyante na magtaas ng presyo

Manufacturers umano ang magtatakda ng presyo ng kanilang produkto at ang listahan ng suggested retail price ay ipapaskil sa harap ng groceries at supermarkets.

Bukod dito, patuloy din ang kanilang pagbabantay sa mga ibinebentang Christmas lights upang matiyak na de-kalidad at ligtas ang mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply