DTI sa publiko: Mamili na ng pang-Noche Buena

NANAWAGAN na ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na kung maaari ay simulan na ang pamimili ng Noche Buena items na ihahanda sa Pasko.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, ang maagang pamimili ay upang makaiwas sa inaasahang pagtataas ng halaga ng mga produktong panghanda sa Pasko.

Ani Maglaya, kabilang sa mga dapat na maagang bilhin ay ang ay pasta, fruit cocktail, keso de bola at hamon. Tiyakin lamang na malayo pa ang expiration date nito.

Samantala, pinayuhan ng Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) ang publiko na para makamura sa bibilhing Noche Buena items ay ikonsidera ang local brands.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa mga employer na ilabas ng maaga ang Christmas bonus ng mga manggagawa para matugunan ang panawagan ng DTI sa maagang pamimili ng Christmas items.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply