Duda sa pagkalalaki ni Sam Milby

LALAKING-LALAKI raw si Sam Milby at ang galing-galing kumanta sa music video ng “Di Kita Iiwan,” ayon sa isang mahadera naming kaibigan na duda sa pagkalalake ng Fil-Am actor-singer.

Actually, emote na emote si Sam sa nasabing music video, at mukhang for the first time ay naiintindihan n’ya ang Filipino lyrics na kinakanta n’ya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya matatas mag-Filipino eh.

“Siguro naman, babae ang nasa isip ng Sam Milby na yan habang kinakanta n’ya ang mga salitang ‘Sa akin ka na lang…di kita iiwan’,” pang-iintriga pa ng mahaderang kaibigan namin, na umaamin din naman na type na type n’ya ang kaguwapuhan nito.

Sa MYX music channel nga pala ng ABS-CBN napakadalas ipalabas ng music video ng binata. Dahil hindi naman kami pinag-aaksayahan ng Star Records na imbitahan sa album launchings nila, di namin alam kung sa anong album ng recording star nila matatagpuan ang kanta n’yang Di Kita Iiwan, o kung may bagong album ba siya. (Kung pagtitiyagaan namin, pwede naming hanapin sa Internet kung saang album ng ex ni Anne Curtis kasama ang Di Kita Iiwan, pero di nga kami pinagtitiyagaang kumbidahin ng Star Records sa album launchings nila, kaya bakit naman namin sila pagtitiyagaang i-search sa Internet. Para sa mga fans ng Fil-Am singer, please feel free na i-Google ang Di Kita Iiwan para malaman n’yo kung sa anong album n’ya ito kasali.

Pero sa totoo lang, visible na visible ang mga Sam ngayon sa MYX. At ang isa pang Sam na pinapatungkulan namin ay ang bagets na si Sam Concepcion. May bagong album siya na ang carrier single ay ang Forever Young na may music video na nasa Top 10 daw ng most requested video ng nasabing music channel. Ewan lang kung nag-media launch na ang album dahil hindi rin kami pinag-aaksayahan ng panahon ng Stages (ang kumpanyang nagma-manage kay Sam) na kumbidahin sa events ng kumpanya. Ni hindi rin namin alam ang titulo ng album dahil di naman binabanggit yon sa countdown ng MYX ng most requested video raw.

Mukhang binatang-binata na si Concepcion sa itsura n’ya ngayon. Pwede na nga siyang ipantapat kay Enchong Dee na kinahuhumalingan ng marami kahit na itsinitsismis siya na mas makapal pa umanong mag-make up kesa sa leading lady n’yang si Erich Gonzales.

Oo nga pala, sa mga nagsususpetsang lipstick lang ang napakapulang mga labi ni Enchong, sabi ng isang kaibigan naming sikat na make-up artist sa mga commercial na na-make-up-an na si Enchong minsan, di raw lipstick yon. Natural daw yon. Talaga raw mapulang-mapula ang mga labi ni Enchong dahil ang puti-puti niya at di naman daw naninigarilyo ang batang aktor kaya di umiitim ang mga labi n’ya.

Idinagdag pa ng kaibigan namin na kailangan daw talagang medyo kapalan ang make-up ni Enchong sa mukha dahil nga maputla ang rehistro n’ya sa kamera kung manipis lang ang make-up n’ya. Pero inaamin din ng make-up artist na yon na medyo malamyang kumilos si Enchong kaya napagkakamalang bading.

Going back to Sam Concepcion, di naman siya makapal mag-make-up. At guwapo siya kahit walang make-up. Hindi siya maputla, kaya di n’ya kailangang mag-make up nang makapal. Guwapo siya sa Pinoy na Pinoy n’yang itsura na walang bahid ng katisoyan. Hindi siya tisoy at all.

***

Mga artistang binotox wala nang emosyon ang mukha

ILANG ulit na rin naming nabanggit sa kolum na ito na naa-upset kami sa itsura ng mga artistang pa-botox nang pa-botox ng mga mukha nila kaya nagmumukhang mga bata sila uli.

Ang problema sa binotox na mukha ay nagiging paralisado yon. Hindi na nagagamit ng mga artista ang mga pisngi, noo, at baba nila para magrehistro ng emosyon. Sa mga mata at boses na lang nila naipapakita ang mga emosyön nila. Para na silang mga radio talent!
Pero kung sa boses na lang nila sila nakakapag-emote, bakit di sa radio soap operas na lang sila gumanap?

Pero kamakailan ay may napuna kaming isang senior actress na hindi nagpapa-botox. Humpak na ang mga pisngi n’ya at marami nang gatla ang noo n’ya. Kitang-kita sa mukha n’ya ang ano mang emosyon ng character ginagampanan n’ya.

Siya ay walang iba kundi si Gina Pareño. Bravo Gina Pareño!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply