Dumalaw sa Manila North Cemetery umabot sa isang milyon

PATULOY ang pagdagsa ng mga tao sa Manila North Cemetery ngayong araw at tinatayang umabot sa isang milyon ang nagtungo roon upang dalawin ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Manila Police District Station 3 Commander Superintendent James Afalla, na nagsisilbi ring ground commander, na aabot na sa 1, 260 pulis at force multiplier ang ipinakalat sa loob at labas ng sementeryo.

Dahil rin sa sobrang dami ng tao ay binuksan na ang tatlong gate ng sementeryo upang mabilis ang paglabas at pagpasok ng mga tao.

Nakumpiska naman ng mga awtoridad ang 200 matatalas na bagay at mga sinturon na may malaking buckle, at kabilang na rin ang 13 bote ng alak.

Tatlo na ang naiulat na nasugatan kabilang na ang isang Tomas Abasado na nabalian ng buto sa kaliwang binti matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng nitso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply