Dyaryo, site na naglabas ng mug shots ni GMA mananagot

MARIING ipinahayag ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na dapat na managot at magpaliwanag ang dyaryong naglabas ng mug shots ni Ginang Arroyo.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, na nagdesisyon na ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) na hindi ilalabas ang mug shots ng dating Pangulo maliban kung may magpetisyon para rito.

Ayon kay Lambino, tiwala siya sa kautusan ng korte na hindi nila ilalabas kaya kailang may magpaliwanag kung paano nakakuha ng kopya ng nasabing mga larawan ang Philippine Daily Inquirer at kumakalat na sa Internet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply