Dyip swak sa bangin sa Cotabato: 1 patay, 25 sugatan

NASAWI ang isa habang 25 ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa President Roxas, North Cotabato.

Ayon kay President Roxas Municipal Police Chief Insp. Nestor Cachuela, gumulong ang jeep ng 60 metro bago bumangga sa mga kawayan sa Lower Ipuan, Barangay Poblacion, naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, galing Kidapawan City ang jeep patungo sana ng Barangay Linaw, Matalam North Cotabato nang biglang lummihis ito pakaliwa sa pababang bahagi ng Lower Ipuan.

Kinilala ang biktimang si Teresita Algar, 60, guro sa Linaw National High School habang naisugod naman agad sa ospital ang 25 sugatan na pasahero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply