Edukasyon pinakamalaki sa national budget

NAKALUSOT na sa Senado ang kauna-unahang national budget na naipasasa ilalim ng administrasyong Aquino.

Inaprubahan ng 18 senador ang panukalang P1.816 trillion budget para sa susunod na taon at  tanging si Senador Joker Arroyo lang ang kumontra.

Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Franklin Drilon, mas mataas ng 10.4% itong naaprubahang pondo kumpara sa budget ng kasalukuyang taon.

Pinakamalaking pondo ay ang Department of Education (DepEd) na umaabot sa mahigit P202 billion.

Ayon kay Drilon, talagang pinaglaanan ng malaking pondo ang DepEd upang maiwasan na ang pagtaas ng bilang mga drop out students sa bansa.

Inaasahang maisusumite ito sa Malacañang sa unang linggo ng Disyembre.

Samantala, binanggit din ni Senador Franklin Drilon na may pondo na ring inilaan para sa Judiciary Department.

Ayon kay Drilon, wala nang dahilan para sabihin ng hudikatura na wala silang pondo para kumuha ng mga bagong hukom.

Sa katunayan, kasama ito sa budget na kanilang ibinigay sa naturang departamento.

Samantala, ngayong araw ay isasalang sa Bicameral Conference Committee ang national budget sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa Philippine Coconut Authority sa Quezon City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply