EENT doctor na-shoot sa butas, todas

PATAY ang 81-anyos na Eyes, Ears, Nose and Teeth (EENT) docto matapos ma-shoot sa butas kaninang umaga sa Binondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Amelito Lopez, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 11 ng umaga sa klinika ng biktimang si Dr. Nestor Figueras, sa 606 Yangco Building CM Recto, Tabora Binondo, Maynila.

Nauna rito, hinahanap umano ang biktima ng kanyang secretary at live in na si Emelita Saraton nang hindi sinasadyang mapasilip si Theodore Tonando, maintenance ng gusali at nagdudang parang may taong nahulog sa ibaba ng butas.

Upang matiyak ang kanyang pagdududa ay kanya itong inilawan gamit ang flashlight at nadiskubre na si Figueras ang bumulusok sa ibaba.

Hinala ng pulisya na nahulog ang biktima at pagkatapos ay inatake na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nabatid na ang nasabing butas ay dinaraanan ng mga nagkukumpuning maintenance sa lugar.

Nakakita rin ang imbestigador na si SPO3 Dennis Javier na may sugat sa kanang bahagi ng ibaba ng ulo ang biktima na hinihinalang tumama sa matigas na bagay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply