Elasto Painters aalagwa sa top spot

TANGKA ng Rain or Shine Elasto Painters na dumiretso ng anim na sunod na panalo sa pakikipagsagupaan laban sa Petron Blaze Boosters sa 2011-12 PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum bukas ng gabi (Nobyembre 13).

Pininta ng Ealsto Painters ang pang-limang sunod na tagumpay kontra Barako Bull Energy, 93-81 kagabi (Nobyembre 11) na ginanap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Matapos tunggain ng RoS ang Energy ay iniwan ng una ang kasalong Talk ‘N Text Tropang Texters sa liderato.

Hawak ng Elasto Painters ang 7-1 win-loss slate at nais rin nito na umalagwa sa top spot upang mahirapang humabol ang nasa segundo puwestong Tropang Texters na pumindot ng 6-1 record.

Puminta si rookie guard Paul Lee ng 17 points, seven rebounds, four assists at steal sa 26 minutong salang para sa Elasto Painters.

Sumuporta ng 16 markers si Ronjay Buenafe kasama ang 11 sa fourth period, habang may 11 na sinalpak si Jireh Ibanez at tig-10 sina Jervy Cruz at Ryan Arana.

Samantala, kumikig ng unang back-to-back win ang head coach ng B-Meg na si coach Tim Cone nang sumiyapol ang Llamados ng 95-79 panalo laban sa Meralco Bolts.

Sa likod ng conference-high 25 points ni James Yap at 17 markers ni Peter June Simon, umangat ang B-Meg sa 4-4 baraha habang ibinaba naman ang Bolts sa 5-4 karta.

Sa unang sultada sa dalawang pares na laban, ipagpapatuloy ng Llamados ang kanilang mainit na laro laban sa dating hinawakan ni Cone na Alaska Aces sa alas-4:15 ng hapon.

Pakay ng B-Meg na makisalo sa pang-limang puwesto habang nais dagdagan ng Aces, (1-6 baraha) ang kanilang panalo upang makaahon ng konti sa team standings. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply