Electoral sabotage case pa kay CGMA

KASUNOD nang patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Joint DOJ-Comelec Committee sa sinasabing dayaan sa 2007 elections, inaasahang magsasampa pa ang Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang kaso ng electoral sabotage laban kay dating Pangulo, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang indibidwal na iniuugnay sa naturang poll fraud.

“The Comelec will probably be filing more cases next week as we continue to flesh out the complete story behind allegations surrounding the 2007 elections,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Ani Jimenez, ang kaso umanong isasampa sa linggong ito ay ang mga may kaugnayan sa dayaan sa halalan sa South Cotabato at North Cotabato.

Ito ay batay naman sa testimonya nina dating provincial election officers Lilian Suan-Radam at Yogi Martirizar, na noon ay nagtago matapos imbestigahan ng Comelec ang tampered election results sa dalawang lalawigan noong 2007.

Sinampahan pa ng Comelec ng kasong electoral sabotage si Radam sa Pasay RTC habang ang kaso laban kay Martirizar ay nakabinbin pa sa poll body.

Lumutang din ang dalawa nitong Setyembre at nagbigay ng pahayag matapos ang apat na taong pagtatago.

Una nang sinampahan si Arroyo ng kasong electoral sabotage ng Comelec sa Pasay Regional Trial Court (RTC), kasama sina dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr. at dating provincial election supervisor Lintang Bedol, na nagresulta sa pagkakadakip sa dating pangulo na kasalukuyan pang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply