Electoral sabotage ni GMA, 4 oras lang dinesisyunan

APAT na oras lamang ang ginugol ng korte sa paghahanap ng probable cause sa kasong electoral sabotage laban kay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ang puna ng panig ng nasa oposisyon sa Kamara na pinamumunuan ni Albay Rep. Edcel Lagman sa kasong nagresulta sa pagkaaresto sa dating Pangulo kasabay ang paniniwalang ito rin ang maging rason ng pagsawalang bisa sa kasong isinampa ng joint DOJ-Comelec panel.

Tinawag ni Lagman na  “one of the  fastest  ever” ang ginawang paghusga ng  korte sa paghahanap ng probable cause ang naging kaso ni CGMA na dapat sana ay sampung (10) araw pa ang gugugulin bago magpalabas ng warrant of arrest na siyang naayon sa batas.

Hindi rin makapaniwala si Lagman na ang walong (8) volume ng isinampang reklamo sa sala ng Pasay Regional Trial Court laban kay CGMA ay hindi basta-basta na lamang itong napasadahan ng mabilis para sa mabilisan ding pagpapalabas ng warrant of arrest.

Malaki rin ang paniwala ng lider ng oposisyon ng Kamara na ang isinalang sa Korte Suprema na pagkuwestiyon sa constitutionality at jurisdiction ng DOJ-Comelec panel ay magreresulta ito sa  pagbasura  sa  pag-isyu ng  warrant of  arrest  ng  RTC ng Pasay City.

Iginiit din ni Lagman ang pagiging inosente pa rin sa kaso ang dating Pangulo kaya hindi ito dapat itong husgahan at patawan ng anumang kaparusahan at pagbitiwin sa kanyang pagka-kongresista.

Hindi porket, mahina na aniya ang popularidad ni dating PGMA ay hindi ito dapat na lapastanganin ang kayang karapatan at gawaran ng mga hakbanging taliwas ito sa batas at sa karapatan nito.

Dapat aniyang ihiwalay ang opinyon at pulso ng publiko sa paghuhusga ng husgado partikular na ang Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply