Electoral sabotage vs Arroyos dapat matibay – Alan

HINILING ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano sa joint Department of Justice (DOJ) – Commission on Elections (Comelec), komite na nag-iimbestiga sa dayaan sa halalan na tiyakin na matibay ang kasong electoral sabotage laban sa mag-asawang Arroyo.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Linggo, sinabi ni Cayetano na kailangang gamitin ng joint committee ang lahat ng kapangyarihan nito upang matiyak na mkakabubuo ng matibay na kaso laban sa sinumang sangkot sa dayaan sa nakaraang halalan.

Bagama’t nagpahayag ng kasiyahan ang senador sa usad ng imbestigasyon ng komite sa nangyaring dayaan sa halalan, mananatili naman siyang magdududa kung hindi matitiyak na makakasuhan ang responsable sa dayaan.

Iginiit ng senador na kung kinakailangan tumagal pa ang imbestigasyon upang makakalap ng mas maraming ebidensiya, dapat gawin ng komite upang makatiyak na may malakas at matibay na kaso ang pamahalaan laban sa nakaraang administrasyon.

Hinikayat din niya ang komite na maglatag nang mas malawak na lambat upang madakip ang lahat ng sangkot, maliit man o malaking isda, na kasabwat sa dayaan noong 2004 at 2007.

Sinabi pa ni Cayetano na dapat isama sa imbestigahan ang lahat ng opisyal ng Comelec na nagbanggit na may koneksiyon sa dayaan upang matiyak na masakop ang lahat ng anggulo ng kaso.

Tiniyak din ni Cayetano na magiging komprehensibo ang isinasagawang kasabay na imbestigasyon ng Senado sa naturang dayaan upang matiyak sa publiko na mabibigyan ng katarungan ang sinuman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply