Electoral sabotage vs GMA submitted for resolution na

SUBMITTED for resolution na ang kasong electoral sabotage ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na ibasura ng joint Comelec-DOJ panel ang motion to defer preliminary investigation na inihain ng dating Pangulo.

Hindi naman ito katangap-tanggap sa abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio at nag-walk out pa ito sa proceedings.

Ayon kay Topacio, minadali ang proseso at hindi hinintay ang inaasahang resolution na ilalabas ng Korte Suprema  kaugnany sa legalidad ng pag-iral ng joint Comelec-DOJ investigating panel.

Si Gng Arroyo ay nahaharap sa kasong electoral sabotage kung saan idinadawit din sa reklamo ang kanyang asawa at 40 iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply