Electrician sugatan sa apat na pekeng pulis

SUGATAN ang isang electrician nang bugbugin at barilin ng apat na hindi pa nakikilalang mga salarin na nagpakilalang mga pulis sa Caloocan City kagabi (Nobyembre 16).

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga bugbog sa katawan at tama ng bala sa kaliwang paa si Jamier Janohan, 41, taga-Dalahican, Cavite City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, nagbabaan ang mga suspek sa Honda City (NDW-654) at nagsi-ihi sa tapat ng barracks ng biktima sa San Roque, Camarin ng lungsod.

Lumapit ang biktima at sinita ang mga suspek na ikinairita ng mga salarin.

Sinampal ng isa sa mga ito ang biktima bago nagpakilalang mga pulis.

Pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima at isa ang nagbunot ng baril at pinutukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga salarin sakay ng nasabing kotse habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply