Empleyado nagbigti sa CR ng Pasay City Hall

HABANG naghahanda sa lingguhang flag ceremony, biglang nabulabog ang mga empleyado nang matagpuan ang isang bangkay ng lalaki na nagbigti sa loob ng comfort room ng Pasay City Treasurer’s Office kaninang umaga.

Kinilala ang biktima sa pangalang Ronald, empleyado ng city treasurer, nasa pagitan ng 30-40 anyos. Ang biktima ay nagpakamatay sa pamamagitan ng kordon ng electric fan na itinali sa kanyang leeg at ikinabit ang dulo sa rehas na bakal sa bintana.

Ayon sa security guard, ang biktima ay pumasok sa city hall dakong alas-4:20 ng umaga para magbukas ng opisina ng treasurer. Makaraan ang ilang minuto ay pumasok umano ito ng CR at hindi na lumabas.

Isang empleyada at dalawang janitress ang papasok sana ng CR pero hindi mabuksan kaya kinuha ang duplicate key.

Nang mabuksan tumambad sa paningin nila ang bangkay ng biktima na nakadausdos ang mga paa sa sahig at nakabitin sa bakal na rehas na bintana.

Ayon sa ulat, sumama pa umano ang biktima sa outing kahapon para mag-swimming kasama ang ibang empleyado ng treasurer. Wala naman umanong alam ang mga kasamahan nito kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply