Empleyado ng CDO city hall hinoldap at pinatay

ISANG empleydo ng Cagayan de Oro City hall ang nabaril at napatay makaraang ito ay holdapin kagabi.

Ang biktima ay kinilalang si Leopoldo Catipay, 55, residente ng Barangay Bulua sa naturang siyudad.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Joel Baldado ng Bulua Police Station, ang biktima ay suma-sideline umano bilang habal-habal driver.

Kagabi umano ay may dalawang lalaki ang pumara kay Catipay at ito ay nagkunwaring mga pasahero. Binaril ang biktima gamit ang isang 9MM.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima na siya nitong ikinamatay.

Nakuha sa biktima ang gamit na motorsiklo na kulay pulang XRM.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply