Enchong Dee mature leading lady ang trip

HINDI na bago para sa matinee idol na si Enchong Dee ang mga sexy role at mga sexy pictorial. Dati nang ginagawa niya ang magpakuha ng eksenang shirtless o naka-short lang. Maging sa mga sexy pictorial o sa rampahan, appear si Enchong na shirtless o naka-shorts. Pero sa susunod na taon, planado at pinaghahandaan na ng guapong matinee idol ang pagiging more sexier at more mature pagdating sa mga roles.

Magkaganunpaman, gagawin lang daw ito ng binata kung maganda ang script at talagang kinakailangan. O di nga ba naman malakas ang hatak ng mga sexy movie sa box office tulad ng “My Neighbor’s Wife” at “No Other Woman” na pawang mga blockbuster? Feel din ni Enchong na magkaroon ng pelikulang tatabo nang husto sa takilya.

Nang matanong naman siya kung sino ang feel niyang maging leading lady,feel ni Enchong magkaroon ng leading lady na mas may edad kaysa sa kanya. Feel kasi niya ang karakter na may temang ala-May-December affair.

***

LUBOS-LUBOS ang pasasalamat ng sexy star na si Solenn Heusaff sa sobrang suportang binigay sa kanya ng mga kasamahan niya sa latest movie na ginawa niya after “Temptation Island” dahilan sa first time ni Solenn lumabas sa isang serious drama movie. Napasabak daw ng husto si Solenn sa aktingan kasi nga naman mga magaling na drama actor ang kanyang mga nakakaeksena.

Say niya sa isang panayam, bago raw siya sumabak sa shooting ng bago niyang pelikula sa Regal Film, workshop to death daw muna ang kanyang byuti para kahit paano ay makasabay siya sa aktingan at masaya naman siya sa kinalabasan ng kanyang acting at naging supportive sa kanya ang kanyang mga kasamahan.

Kung sa acting ay bano pa si Solenn, pwes, sisiw na sisiw naman sa kanya ang pagpapa-sexy. Siya kasi ang star sa bagong kalendaryo ng isang inuming nakalalasing at sa mga unang nakakita na nito, lahat ay napa-wow sa posing at alindog ni Solenn.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply