Enrile ‘di kumbinsido sa paliwanag ni Ongpin

HINDI kontento si Senate President Juan Ponce Enrile sa naging paliwanag ng negosyanteng si Roberto Ongpin sa isinagawang pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na P660 behest loans sa Development Bank of the Philippines.

Sa pagding ng Blue Ribbon Committee, sinabi ni Ongpin na hindi behest ang naturang loan at wala aniyang padrino tulad ng pagsasabing kapit siya kay dating First Gentleman Mike Arroyo.

Tila ipinagtanggol naman ni Enrile ang dating unang ginoo sa pagsasabi na mismong si Ongpin ang maaaring nakaimpluwensya sa DBP dahil sa Board member ito ng bangkong inutangan.

Ginisa naman ni Enrile si dating DBP President Reynaldo David at kinuwestiyon kung bakit napakabilis na inaprubahan ang pag-utang ng kumpanya ni Ongpin na Delta Ventures Incorporated.

Nagpaliwanag naman si David na hindi sila nagkamali sa pagpapautang kung saan ay kumita ang DBP P1.4 billion dito.

Samantala, pinabulaanan naman ni Ongpin na pag-aari niya ang kumpanyang tinukoy ni Senador Serge Osmeña III na nakautang sa DBP at Landbank ng $90 milyon o P3.8 bilyon sa kabila na $2 lang ang puhunan.

Hindi naman sumipot sa pagdinig ang sinasabing dummy ni Ongpin sa Delta Ventures na si Josephine Manalo ang executive secretary ni Ongpin sa loob ng 45 taon na lumilitaw sa dokumento na majority owner ng Delta Ventures.

Nagpadala naman ng liham si Manalo sa Blue Ribbon Committee kung saan ay sinasabi ng mga abogado ni Manalo na ito ay 68 taong gulang at marami ng sakit na nararamdaman tulad ng diabetes at sakit sa puso kung saan ay hindi nito kakayanin ang dumalo sa Senate hearing.

Inamin din ni Ongpin na substantial owner ito ng Delta Ventures subalit hindi ito lumilitaw sa mga dokumento na may-ari kundi si Josephine Manalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply