Envoy ni PNoy sa China, tablado sa Senado

TINABLA ni Sen. Sergio Osmeña III ang kumpirmasyon ni Domingo Lee, itinalagang embahador ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa China sanhi ng kawalan ng diplomatikong kakayahan at masamang imahe sa larangan ng pagnenegosyo.

Ayon kay Osmeña, nakikinita niyang magkakaroon ng lamat ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at China kung tuluyang maitatalaga si Lee bilang embahador sa Beijing dahil kapos sa kaalaman ang opisyal at mayroong pangit na imahe sa pagnenegosyo.

“He’s absolutely not qualified. He’s not even qualified to become Consul,” ayon kay Osmeña.

Banat pa ni Osmena na ipadala na lamang ng Malakanyang si Lee sa Argentina o sa Italy.

“Ipadala mo iyan sa Argentina o sa Italy, hindi ako mag-question diyan pero, we’re about to go to war with the second most powerful nation in the world, their economy is already No. 2, their military is about to become No. 2. And then we’re gonna send somebody like this guy?,“ dagdag ng senador.

Sa usaping diplomatiko, sinabi ni Osmeña na walang opisyal na karanasan si Lee bilang embahador dahil naitalaga lamang ito bilang honorary  ambassador sa panahon ni yumaong Pangulong Corazon Aquino.

“Now, it is official. So technically, he has no diplomatic experience. He has never been trained in the arts of diplomacy, that’s a very sophisticated science, where you need years and years of training in order to be able to deal with the most sensitive subjects,” paliwanag ni Osmeña.

Tinabla rin ni Osmena ang kumpirmasyon ni Lee dahil masama ang imahen nito sa pagnenegosyo dahil karamihan umano sa kanyang kompanya ay nagsara at mayroon siyang negatibong rating sa pautang partikular ang hindi pagbabayad sa China Airlines matapos itong maitalagang general agent ng naturang kompanya.

Umapela si Osmeña kay Pangulong Aquino na bawiin ang paghirang kay Lee dahil may nakikita siyang sigalot sa diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at China sakaling maitalaga itong embahado sa Beijing.

“I can see several pending disasters. That’s going to happen if you put an incompetent person like Domingo Lee as ambassador to Beijing and I am appealing to the President to withdraw his nomination because it is not fair to the Filipino people,” ayon kay Osmeña.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply