Epektibong pagtatakda ng motorcycle lane

MARAMI ang naniniwala na isang mabisa ang pagtatakda ng motorcycle lane na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at Diosdado Macapagal Avenue sa Pasay City hanggang sa Parañaque.

Sa unang silakbo ng panghuhuli ay umabot sa hindi bababa sa 800 siklista ang nasita at pinagmulta sa kasagsagan ng kampanya. Ito ay ayon sa tala ng ahensiyang nagpapatupad ng alituntunin. Wastong pagpapasunod at disiplina pala ang tamang sistema para makamit ang magandang resulta na kabawasan ng disgrasya dulot ng mga matitigas ng ulong motorcycle driver.

Tanong ng marami: bakit hindi palaganapin ang kautusan at isama ang Quezon Avenue sa Quezon City at sa kahabaan ng Edsa mula sa Caloocan hanggang Pasay City para maiwasan ang mga aksidente at marahil ay upang masita ang mga riding-in-tandem na kriminal sa mga lansangan sa Metro Manila.

At sa halip ay binabatikos pa ito ng ilan at may isa pang samahan ng mga motorcycle club ang naghaharap ng temporary restraining order (TRO) na nagbabawal sa tuluyang pagpapatupad nito dahil sa kani-kanilang dahilan at paniniwala.

o0o

MAGANDA ang plano na paglilipat ng lugar na pagdarausan ng susunod na Bar Examination sa taong ito na gaganapin sa University of Santo Tomas campus sa A.H. Lacson Avenue at España Street na sisimulan sa linggong ito at sa tatlong kasunod pang mga linggo.

Dulot ito ng isang madugong pangyayari noong 2010 Bar  Exams na naganap noong huling linggo ng pagsusulit sa De La Salle University campus nang masalisihan ang mahigpit na seguridad na inilatag kapwa ng Manila Police Department at ng security force ng DLSU. Hindi iilan ang nasaktan sa kaguluhan at nagbunga pa ng pagkaputol ng binti ng isang kumuha ng eksaminasyon. Kung sinu-sino pa ang naparatangan dulot ng nasabing insidente na hanggang ngayon ay wala pang nahuhuling pananagutin.

o0o

SALUDO ang mga magulang na mga kasapi ng National Press Club at AFIMA sa patuloy na pagkakaloob ng scholarship sa mga karapat-dapat na anak at/o apo sa programa. Panawagan lang ng pamunuan ng dalawang press association na pagsumikapan ng mga scholar ang pag-aaral bilang pagtanaw ng pasasalamat sa pamunuan ng dalawang mapagpalang asosasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply