Epekto ng pagtataray ni Marian Rivera: Rhian Ramos, Dingdong Dantes nagkailangan na rin

TSIKANG hindi raw naalis ang ilang sa isa’t isa nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos nang muli silang magsama sa isang bagong proyekto sa GMA-7, ang “Sundo.” Say ng mga taong nakapaligid sa dalawa, tila sariwa pa rin ang tsikang mainit sa mata ni Marian ang mga nakakatambal ng boypren kahit pa sabihin na nagbago na raw ang aktres.

Sa isang panayam ay madiin namang pinabulaanan ito ni Dingdong sa pagsasabing walang ilangan sa pagitan nila ni Rhian. Sa katunayan pa nga raw ay nagkaroon sila ng workshop bago pa man sila magsimula ng taping sa pinakabagong teleserye ng Kapuso Network.

Masaya pa ring binida ni Dingdong na sobrang na-miss raw niya ang paggawa ng soap opera dahilan sa halos isang taon na rin naman nang huli siyang nakagawa nito, ang I Heart U Pare nila ni Regine Velasquez. At isa pa sa nagpasaya sa hunk actor ay ang muling nakasama ang mga staff na dati pa niyang nakakasama sa tuwing may soap siya sa Siyete.

******

UMAARIBA ang Banana Split Extra Scoop pagkatapos mag-celebrate ng kanilang 3rd anniversary. Ilang weeks nang number one ito sa ratings.

Panalo talaga ang chemistry nina Angelica Panganiban, Jayson Gainza, Pooh, John Prats, MelaiCantiveros, Jason Francisco, Ryan Bangs atbp.

Congrats din sa buong cast at kina Direk Bobot Mortiz, PM Cynthia Jordan, EP Camil- le Mortiz at sa business Unit head na si Sir Raymund Dizon, sa mga scriptwriters lalo na sa friend naming si Josel Garlitos dahil nanalo rin ang Banana Split sa KBP Golden Dove bilang Best Comedy program!

Anyway, may bonggang pasabog na naman ang Banana Split Extra Scoop kaya abangan.

******

HOW true na ang tunay na dahilan daw kung kaya hiniwalayan ni John Lloyd Cruz itong si Shaina Magdayao kahit pa super love ng binata ang young actress ay sa pagiging super selosa nito? Hindi na raw nakayanan ito ng guwapong actor kung kaya siya na lang ang gumib-ap sa kanilang relasyon? Tsika rin na halos parang nasasakal na si John Lloyd sa pagiging sobrang selosa ni Shaina?

Well, kung sobrang pagmamahal naman ang binibigay ni Shaina kay John Lloyd, hindi kaya nasobrahan ang pagseselos niya at nalimutan niyang hindi pa sila kasal ni Lloydie?

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply