Epileptic inatake habang namamasada, todas

NATODAS ang isang 51-anyos na lalaki matapos itong sumpungin ng kanyang sakit na epilepsy habang namamasada ng sidecar kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Amelito Ogaya, pedicab driver, ng Pier 6 North Harbor Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 12:09 ng madaling araw nang atakihin ng sakit na “epilepsy” ang biktima habang namamasada.

Napansin naman ng isang Jia Murilla ang pangyayari kaya agad niyang ipinabatid sa barangay kaya naisugod ang biktima sa naturang pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nakuha sa biktima ang kanyang gamot na posible umanong nakalimutan nitong inumin.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Joy, nakikipaglaban si Ogaya sa kanyang sakit na epilepsy at asthma.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa Lorenzo Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply