Erap inalok ang Tanay resthouse kay GMA

INIALOK ni dating pangulong Joseph Estrada ang kanyang resthouse sa Tanay, Rizal para pagkulungan sa dati ring pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo’y nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Matatandaang ipiniit noon si Estrada sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at isinailalim sa hospital arrest sa Veteran’s Hospital bago dinala sa Camp Capinpin sa Tanay.

Bagama’t tutol si Estrada na ikulong si Ginang Arroyo sa ordinaryong selda, na siyang iginigiit ng ilang militanteng mambabatas, hindi naman aniya siya pabor na isailalim sa house arrest.

Pero giit ni Erap, dapat munang mailagay sa isang government facility si Arroyo bago dalhin sa resthouse.

Nagpasalamat naman ang kampo ni dating pangulong Arroyo sa alok ni Estrada pero anila, may sariling bahay naman na pwedeng magamit ang kongresista ng Pampanga.

Ayon sa abogado nitong si Attorney Raul Lambino, ang house arrest ay dapat sa sarili mong bahay ka makulong at hindi sa bahay ng ibang tao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply