Erap kay GMA: Harapin mo muna ang kaso

HARAPIN mo muna ang kaso. Makulong ka muna bago magpagamot sa abroad.”

Ito ang payo ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating Pangulong Gloria Arroyo sa gitna na rin nang paggigiit na makapag-biyahe sa ibang bansa para magpagamot.

Sinabi ni Erap na sa kaniyang naging sitwasyon noon, kailangan pang personal na humarap sa Sandiganbayan ang kanyang US based doctor na si Dr. Christopher Mao para i-certify lamang na kailangan talaga niyang sumalang sa knee surgery.

Tanging sa Hong Kong lamang niya hiniling na makapagbiyahe dahil doon kumpleto ang mga gamit ng kaniyang doktor.

Ayon pa kay Erap, ang may bahay na si Dr. Loi at tatlong pulis lamang ang bitbit niya nang magpa opera ng kaniyang tuhod sa Hong Kong.

Inihayag pa ni Erap na walang dudang tatakasan niya ang kaniyang kaso dahil tanging Hong Kong lamang ang ini request niyang puntahan para sa kaniyang medical treatment.

Sa kabila ito umano nang mungkahi noon ni dating Justice Secretary Hernando Perez na pumili siya ng kahit anong bansang pupuntahan at makakaalis siya pagkatapos niyang pumirma ng resignation letter.

Binigyang diin pa ni Erap na mayruon nang mga ospital sa bansa na may kumpletong gamit na maaaring gumamot kay Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply