Erap todo-puri kay Justice de Lima

IPINAGTANGGOL ni dating Pangulong Joseph Estrada si Justice Sec. Leila de Lima sa harap ng mga batikos na inaabot ng DOJ patungkol sa mga kaso ng pamilya Arroyo.

Ayon kay Erap, dapat pa ngang “palakpakan” ng publiko ang paninindigan ni de Lima na gagawin ang lahat ng paraan upang huwag makalabas ng bansa ang mga Arroyo, partikular na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon naman sa anak ni Erap na si Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada, hindi dapat sa ekslusibong St. Luke’s Hospital manatili si GMA bagkus sa isang ospital ng gobyerno.

Suspetsa pa ni Jinggoy na “drama” lang ang pinakikitang kondisyon ni GMA.

“Sa tingin ko naman, wala talagang sakit ‘yang si GMA, umaarte lang ‘yan.”

Matatandaan na hindi nakaalis ang mag-asawang Arroyo matapos daanin ni De Lima sa teknikalidad ang proseso.

Ani De Lima, hindi pa ‘epektibo’ ang nasabing TRO.

Bunga nito, posibleng sampahan ng SC si De Lima ng “indirect contempt” na may parusang 6-buwan pagkabilanggo, multang P30,000 o magkasabay na parusa batay sa desisyon ng mga mahistrado.

Tuluyan namang nakanal ang planong pag-alis ng mga Arroyo matapos silang sampahan ng electoral fraud at sabotage ng Commission on Elections nitong Biyernes sa Pasay Regional Trial Court na agad namang naglabas ng arrest warrant para sa dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply