Eroplano sumadsad sa NAIA; 5 international flight naabala

SUMADSAD sa runway 0624 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang light aircraft na naging dahilan ng pagkakabalam ng limang international flights.

Ayon kay Alvin Candelaria, MIAA-Airport Ground Operations Division chief, bandang 10:50 kaninang umaga, sumubsob sa runway 06 ang two-seater Piper Astec cargo plane mula sa Palawan.

Ang light aircraft ay sinasabing pag-aari ng Royal Aircargo at naglalaman ito ng mga buhay at sariwang isda.

Nabalam naman ng ilang minuto ang ilang international flights na kinabibilangan ng Cathay Pacific CX-901, Asiana Airlines OZ-701, Gulf Air GF-154, at Eva Air BR-271.  Samantala ay nag-divert ang Korean Air KE-621 sa Clark dahil na rin sa insidente.

Base sa report, nag-collapse ang kanang front gear ng eroplano pagkaraang makapag-landing ito sa runway.

Ilang minuto na isinara ang runway para mahatak ang Piper Aztec mula sa pagkakahambalang.

Hindi naman nasaktan ang dalawang piloto nito na nakilalang sina Capt. Jun R. Sanchaez at First Officer Joramel Bautista ngunit isinugod na lang sa San Juan De Dios Hospital ang isang taga-airport rescue and fire division na si Emer Tablante sanhi ng minor injury na natamo nito habang inaangat ang naturang eroplano upang itabi at mailayo sa runway.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply