Ervic Vijandre binabangungot pa rin dahil sa Survivor Philippines

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Ervic Vijandre ang pagsali niya last year sa Survivor Philippines Celebrity showdown. Madalas pa rin daw niyang napananaginipan ang mga nangyari sa kanya sa isang island sa Thailand.

Ani Ervic sa presscon ng Kokak: “Napapanaginipan ko pa rin ang mga nangyari sa akin sa isla. Magiging bahagi na ng buhay ko ang pagsali sa reality show na ito ng GMA-7. Kahit hindi ako nagwagi, at least lumaban ako.

“Kinaya ko talaga ang mga hirap sa isla. Pagod ka sa challenge, kulang ang pagkain mo. Bilad ka sa araw. Hirap ka talaga. Bakit ang mga babae ay nakakayanan, ako pa na isang athlete?”

Kung isasali siyang muli ng Survivor Philippines sa kanilang mga susunod na episodes, hindi raw magdadalawang isip si Ervic na sumaling muli. Exciting para sa kanya ang kakaibang adventure na kanyang naranasan sa show.

Samantala, dahil sa Survivor Philippines, nakilala na ngayon si Ervic. Hindi lang dahil sa palaging idinidikit ang kanyang kay Marian Rivera, na ex-gf niya. Tumagal ang kanilang relasyon ng limang taon. Buhat nang pumasok sa showbiz si Marian noon, lagi nang nababanggit sa mga write ups ng magaling na aktres na syota niya noon si Ervic.

Ngayo’y may pangalan na si Ervic. Artista na siyang talaga at hindi lang basketball player turned model. Kasama na siya sa drama series na “Kokak” na napanonood after Eat Bulaga since Nov. 14.

Lalabas si Ervic sa soap bilang best friend ni TJ Trinidad.

Pero umaasa si Ervic na mabibigyan pa siya ng maraming break sa GMA-7. Bukod sa basketball at modelling, gusto rin niyang umarte. Kaya hangad niyang magka -roon na rin ng ka-love team sa GMA7.

Sino kaya ang bagay kay Ervic?

000

LIBERATED talaga si Solenn Heussaff. Nasabi nito sa press launch ng Ginebra San Miguel para sa kanilang bagong calendar girl for 2012 na sarili niyang desisyon ang pagpu-pose ng sexy para sa Calendar 2012 ng Ginebra San Miguel. Kahit boyfriend niya ngayon ay hindi niya kinunsulta.

Ani Solenn: “Kahit boyfriend ko ay di makapipigil sa anumang plano ko sa buhay. Ganyan ang arrangement namin ng sinumang karelasyon ko.”

Pero pinagdiinan niyang may limitation ang kanyang pagpapaseksi. Gusto niyang makita ang kanyang kaseksihan na classy at hindi bastos. Kaya sa mga kalendaryo ng Ginebra San Miguel, lahat ay artistic ang pagkakakuha ng kanyang photos.

Ani Solenn: “May limitation ang pagpapaseksi ko, hindi ako tutulad sa mga boldstar. Hanggang classy sexy look lang ako.”

Ayon sa Ginebra Marketing VP Nelson S. Elises, napili nila si Solenn bilang Calendar Girl at endorser ng kanilang produkto dahil si Solenn ay may mapagpakumbabang pananaw sa buhay.

Ani Mr. Elises: “Kilalang-kilala man siya (Solenn) at malayo naman ang narating, simpleng tao pa rin siya at kayang makibagay kahit kanino. Tulad ng ipinagmamalaki naming produkto, ang Ginebra San Miguel, lumipas man ang mahigit 100 taon at napakaraming parangal at international awards, nananatili pa rin itong malapit sa puso at panlasa ng mga nakararaming Pilipino.”

May limang bersyon ang kalendaryo kung saan parang mala-seksing Survivor series ang dating ni Solenn. Tutal nakilala naman siya bilang isa sa Survivor Avenger sa last year’s Survivor Philippines Celebrity Showdown.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply