Estudyante sa Surigao City nalason sa pagkain ng tuba-tuba

NALASON ang ilang estudyante sa elementarya mula sa Brgy. Lisondra, Surigao City dahil pagkain ng bunga ng tuba-tuba o jatropa corca.

Ang biktima na isinugod sa Caraga Regional Training Hospital ay kiilalang sina Carla Jane Asilom,  8, Jaicamel Asilom, 7, Twinkle Mae Pingal, 7, Philip Quinez, 8, at Wilmark Tabacon, 10.

Batay sa ulat, alas-7:00 ng umaga kahapon (Nobyembre 15) bago ang flag raising ceremony sa loob ng paaralan, 15 sa mga mag-aaral ang nagkayayaan na kumain ng tuba-tuba lalo na ang kulay dilaw o hinog na.

Ayon sa mga bata,  matamis at parang mani ang bunga ng tuba-tuba ngunit matapos ang iilang oras na lumipas, isa-isang nagsuka at sumakit ang tiyan ng mga  menor de edad  kaya naman  dinala agad ang mga ito sa  Caraga Hospital para mabigyang lunas.

Inihayag naman ni Dr. Emmanuel Plandano ng City Health Office na hindi dapat kinain ang bunga ng tuba-tuba dahil ito’y nakakalason at nakamamatay.

Nanawagan pa ito sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na huwag nang magtanim ng tuba-tuba sa loob ng mga paaralan dahil ang mga bata ay kalimitang nag-eeksperimento at kumakain ng kung anu-ano. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply