Ex-caddie ipinagtanggol ni Woods

IPINAGTANGGOL ni Tiger Woods ang kanyang dating caddie na si Steve Williams at sinabing hindi ito racist na naging dahilan upang kondenahin noong isang linggo.

Si Williams, na nagbigay ng 13 sa 14 major titles ni Woods ay sinibak ngayong taon.

“We talked this morning, we met face to face and talked it through,” wika ni Woods.

“Obviously, it was a wrong thing to say, something that we both acknowledged now and
we’re moving forward.”

Sinabi naman ni Woods na humingi na sa kanya ng paumanhin ang kanyang dating caddie sa panlalait nito.

“He did apologize. It was hurtful, certainly, but life goes forward,” depensa pa ni
Woods.

Una nang nilait ni Williams si Woods kung saan binansagan ang former world number one bilang isang “black arsehole” sa awards dinner sa Shanghai.

Ang dalawa ay nagkita nang harap-harapan sa The Lakes course sa Sydney noong isang linggo sa Australian Open kung saan si Williams ang siya nang nagdadala ng grupo ni Australian world number eight Adam Scott.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply