Ex-DND spokesman, kinastigo ni Gringo

KINASTIGO ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan ang dating tagapagsalita ng Department of National Defense (DND) sa pagsasabing pinapaburan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkakaroon ng revolutionary government upang magkaroon ng kaayusan sa bansa.

Ayon kay Honasan, talagang sabay ang pahayag ni dating DND spokesman Zosimo Paredes, dahil nalalagay sa balag ng alanganin ang Palasyo at militar na naghahatid ng pagdududa sa liderato ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Honasan, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, dapat ay humingi muna ng permiso si Paredes bago nagsalita dahil nalagay sa alanganin si Pangulong Aquino at DND Secretary Voltaire Gazmin sa naging pahayag nito.

Bagamat dating magkasama sa Reform the Armed Forces Movement (RAM) sina Honasan at Paredes, sinabi ng senador na hindi niya pinapaboran ang revolutionary government para lamang magkaroon ng kaayusan sa bansa.

Nilinaw naman nito na hindi pa niya alam kung ito nga ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Paredes, o kung pinuwersa itong magbitiw sa puwesto dahil sa  kontrobersyal niyang statement.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply