Ex-mayor lubog sa utang nang malulong sa sugal

TOTOO bang wala nang pera at baon pa sa utang ang isang dating alkalde dahil sa kanyang pagkalulong sa pagsusugal.

Ayon sa impormante ni matang kuwago ng Remate, kung dati ay balewala ang pera sa naturang alkalde, ngayon ay kahit na singko o bente singko ay sobrang halaga na sa kanya dahil sa
kawalan ng salapi.

Sa kasagsagan ng pagkakahawak sa kapangyarihan ng naturang alkalde na kung saan isang mayaman ding lungsod ang kanyang hinawakan ay todo bigay ang lahat ng luho ng kanyang pamilya at todo bodyguard pa subalit ngayon ay parang isang ordinaryong mamamayan na lamang.

Ang pinakamasakit, matapos niyang mawala sa puwesto at maubusan ng pera ay iniwan siya ng

kanyang asawa at ipinagpalit sa iba.

Maging ang mga abugado ng dating alkalde ay de kalidad subalit ngayon ay ilang tao at kaibigan na lamang ang tumatanaw ng utang na loob sa kanya kabilang na ang isang mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Nakakalungkot isipin dahil ilang beses na tinangkang balikan ng alkalde ang kanyang puwesto subalit nabigo ito maging ang dating karerang kanyang pinanggalingan ay hindi na din niya uli nabalikan pa.

Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang dating alkalde ay patuloy pa rin ang pagtakbo ng kanyang buhay sa kabila ng pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay kabilang na ang mga anak at asawa pero in fairness patuloy pa rin ang kanilang relasyon at komunikasyon.

Tapusin na natin ang usapan pagkat dating artista ang naturang alkalde at ang hinawakan niyang lungsod ay bahagi ng kasaysayan subalit ang ilang lugar sa kanila ay bahain at dinadagsa ng tao ang kanilang lugar lalo na ang mga pauwi ng Bulacan dahil sa daming nagkalat na terminal dito.

Mayroong “O” sa kabuuang pangalan ni Mayor as in Oo kailangan niya ng tulong.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply