Ex-PBA player, inireklamo ng akmang pagbunot ng baril

INIREKLAMO ang dating Philippine Basketball Association player ng akmang pagbunot ng baril makaraang may makaaway umano ito sa kahabaan ng Edsa sa P. Tuazon Cubao.

Nabatid na inireklamo ng mag-asawang Ricardo at Rachel Balicas si Paul “Bong” Alvarez makaraang akmang bumunot ito ng baril dahil lamang sa away trapiko.

Magkakaangkas umano sa motorsiklo ang mag-asawa kasama ang kanilang 8-anyos na anak na babae nang biglang lumusot mula sa likuran ang silver Mercedez Benz na may plakang XKV-828 habang panay ang busina na ikinabigla ng mga nagrereklamo.

Dahil dito, binusinahan nila ang Mercedez Benz dahilan naman upang bigla itong huminto sa kanilang harapan.

Nang nasa tapat na ng kotse ang motorsiklo, nagbukas na ng pinto ang driver na nakilala ng mag-asawa na ang dating basketball player na si Alvarez.

Nabatid pa na hinamon pa umano ni Alvarez si Ricardo kung anong gusto nito at nakitang akmang may kinukuhang baril sa kanyang tagiliran.

Inamin naman ni Rachel na hindi naman sila tinutukan ng baril ni Alvarez pero nagdulot aniya ng takot sa kanilang anak.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa nakukunan ng pahayag ang dating basketbolista.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply