Extra bonus ng gov’t employee ‘di pa sigurado

HINDI sigurado ang Malakanyang kung mabibigyan ng performance enhancement incentive (PEI) ang mga empleyado ng pamahalaan ngayong Disyembre.

Ang PEI ay itinuturing na extra bonus kung saan ang P7,000 ay manggagaling mula sa Department of Budget and Management (DBM) habang ang P3,000 ay gross savings ng isang ahensiya ng pamahalaan.

Ito’y bahagi ng nalalapit na Pasko at insentibo na nakukuha ng isang empleyado ng gobyerno.

Nauna rito, sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na maaaring makakuha ang government employees ng performance enhancement bonus o ‘yung sinasabing extra Christmas bonus ng mga government employees dahil malaki ang naging savings ng pamahalaan.

“I think that’s similar to last year. I will have to check. I have gotten some queries also on this but I will have to check po with the Office of the Executive Secretary (OES) kung mayroon pong ganyang parating,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply