Factory worker patay na nang makita

HALOS naaagnas na nang makita ang bangkay ng isang factory worker ng kanyang kasamahan matapos na puntuhan ng huli ang tinutuluyang bahay ng una dahil sa hindi pagpasok sa trabaho Malabon City kagabi (Nobyembre 16).

Nakilala ang biktima na si Rolando Diaz, 27, factory worker at nanunuluyan sa Narra St., Panghulo ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, pinuntuhan ni Mark Cadaingan, 24, ang biktima dahil hindi na pumapasok sa Silver Swan.

Kumakatok si Cadaingan subalit walang sumasagot at dahil nakabukas ang ilaw ay nasilip ng una ang loob ng bahay at nalanghap ang mabahong amoy.

Humingi ng tulong sa mga barangay ang saksi at nang buksan ang pinto ay lalong lumakas ang amoy hanggang sa makita ang biktima na halos naaagnas na nakahiga sa kama.

Wala naman nakitang palantandaan na pinatay ang biktima na huling nakitang naglalaba sa labas ng bahay noong Nobyembre 13, 2011.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply