Famy, Sta. Maria sa Laguna, lubog na sa baha

PATULOY na lumulubog sa tubig-baha ang ilang barangay sa Famy at Sta. Maria sa Laguna dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng shallow low pressure area (SLPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa  Infanta, Quezon.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, anim na barangay sa bayan ng Sta. Maria at dalawang barangay sa Famy ang hanggang tuhod na ang baha simula pa kahapon.

Wala pang isinasagawang paglilikas sa mga residente dahil humuhupa rin ang baha sa tuwing titila ang ulan bagama’t tumataas muli ang tubig sa tuwing uulan nang malakas.

Samantala unti-unti nang inililikas ang mga residente ng San Mateo, Rizal matapos tumaas ang lebel ng tubig sa San Mateo River.

Itinaas na ang alert level 1 sa Barangay Banaba at Sta. Ana na nasa gilid ng ilog matapos umabot sa 19.1 meters ang lebel ng tubig sa San Mateo River na may critical level na 20 meters.

Ayon kay Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Dong Malonzo, may 35 pamilya na ang inilikas sa Brgy.Sta. Ana at dinala sa Ynares Covered Court.

Itinayo na rin ang command center ng Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) ng lungsod at ipinalabas ang hotline na 570-6846 para mga residenteng mangangailangan ng tulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply