Fare increase ‘di mahaharang ng oil price rollback

HINDI umano mapahihinuhod ng oil price rollback ang ikinakasang fare increase ng grupong Pasang-Masda.

Sa kabila ng pagpapatupad ng bawas-presyo ng produktong petrolyo ng mga oil companies, idinuduldol pa rin ang grupo ni Ka Obet Martin, presidente ng Pasang-Masda, na ituloy ang kanilang hirit na fare increase.

Sa katunayan sa December 8 ay magsasagawa ng public hearing sa tangapan ng Land Transporation Franchiing Regulatory Board (LTFRB) upang talakayin ang kanilang apela.

Ayon kay Martin, muli nitong iginiit na nanloloko lamang ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga bawas-presyo.

Sinabi ni Martin sa tuwing umiinit ang usapin sa dagdag-pasahe saka namang nagpapatupad ng rollback ang mga oil companies.

Mistula kasing pinakakagat lang ng mga kumpanya ng langis ang hanay ng transportasyon sa pamamagitan ng ginagawa nilang rollback. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply