Feeding Program ng Department of Education

MAYROONG feeding program ang Department of Education (DepEd) na ang pangunahing layunin ay masigurong hindi tataas o dadami ang bilang ng mga batang malnourished sa bansa.

Sa nasabing programa 15 pang probinsya sa bansa ang pasok feeding program na ito ng ahensya.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na naniniwala siya na kapag kumakain ng masusustansyang pagkain ang isang bata ay tiyak ding aangat ang kanilang kaalaman sa pag-aaral.

Kabilang sa mga probinsya at lungsod na susuyurin ng DepEd  para sa naturang proyekto ay ang Quirino, Zambales, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Sorsogon at Negros Occidental.

Kasama rin ang Negros Oriental, Leyte, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Kalinga, Maguindanao at Quezon City.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 63, 000 mag-aaral ang nakikinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng DepEd.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply