Fetus bumara sa inidoro

BUMARA ang isang lalaking fetus sa toilet bowl ng isang ladies comfort room ng isang gusali sa Ermita, Maynila.

Sa report ni SPO1 Charles Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:30 ng kahapon nang madiskubre ang isang lalaking fetus sa loob ng CR ng mga babae sa Merchant building sa kanto ng Padre Faura at Mabini sts., Ermita ng lungsod.

Nililinis umano ni Marites Montog, janitress ng nasabing building, ang nabanggit na CR nang mapuna niya na barado ang toilet bowl at hindi mai-flush. Agad na ipinagbigay-alam ni Montog kay Arnel Payra, 44, maintenance ng building ang baradong toilet.

Upang maayos ang bara ng inidoro ay kumuha si Payra ng tsinsel at martilyo at nagdesisyon na baklasin na lamang ang toilet bowl at nagulat na fetus pala ang bumara dito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tinatayang tatlo hanggang limang buwan na lalaking fetus.

Nabatid na ang nasabing CR ay nakalaan lamang para sa mga babaeng bisita, customer at mga aplikante sa nasabing building.

Nakalagak na ang fetus sa St Yvan funeral homes para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply