Fetus nawalis ng basurero

TINATAYANG nasa pito hanggang walong buwan ang fetus na babae na natagpuan sa bunton ng basura kaninang umaga sa Binondo, Maynila.

Sa report ni PO3 Amelito Lopez ng Manila Polie District (MPD)-homcide section, dakong 10:30 ng umaga nang nadikubre ang fetus sa Del Pan St., Binondo, Maynila.

Ayon kina Eduardo Roberto, empleyado ng Metroplitan Manila Development Authority (MMDA) at Jimmy Rosales ng CGSO, Manila City Hall, kasalukuyang silang nagwawalis sa mga bunton ng mga basura sa nasabing lugar nang mawalis nila ang isang plastic bag na may laman.

Dahil sa may kabigatan ang plastic bag ay kanilang binulatlat subalit tumambad sa kanila ang fetus na babae dahilan upang i-report ang nakita sa pulisya.

Ang fetus ay kasalukuyang nakalagak sa Cruz Funera Parlor para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply