Filipino Muslims ipinagdiriwang ang Eid Al-Adha

IPINAGDIRIWANG ngayong araw ng mga Filipino Muslims ang Eid Al-Adha o Feast of Sacrifice sa Metro Manila at Quezon City ng mapayapa.

Ang Eid al-Adha, o “Greater Eid” ay isa sa pinakaimportanteng religious holiday ng mga Muslim sa buong mundo bilang paggunita sa sakripisyo ni Abraham sa pag-alay ng kanyang anak na si Ishmael sa Diyos.

Magsisimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng pananalangin sa Mosque at pagbisita sa mga kapamilya at kaibigan bilang pagpapasalamat kay Allah at sa mga pagpapala nito.

Dito sa Pilipinas, marami nang pamilyang Muslim ang nagtungo sa Quirino Grandstand upang manalangin para sa kapayapaan sa buong bansa at sa Mindanao.

Hudyat din ang Eid’l Adha ng pagsisimula ng “hajj” o paglalakbay sa banal na siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia.

Dito sa Pilipinas, dumalo ang mga Filipino Muslim sa mga congregrational prayers at designated open spaces sa mga siyudad sa
Mindanao maging sa Metro Manila partikular sa Quiapo, Maynila, Taguig City at Tandang Sora sa Quezon City.

Idineklara ni Pangulong Beigno “Noynoy” Aquino III ang araw na ito bilang non-working holiday.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply