First Lady ng Mexico nasa bansa ngayon

BUMISITA ngayon sa bansa ang Unang Ginang ng Mexico na si Margarita Zabala de Calderon sa paanyaya ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario. 

Lumapag ang eroplano sa NAIA Terminal 1 na PAL Flight PR 103 mula Amerika dakong alas-6:00 ng umaga sakay ang asawa ni Mexican President Felipe Calderon.

Ang Unang Ginang ay chairperson ng Consultative Council on Integral Family Development na nagtataguyod sa kapakanan ng mga bata at pamilya sa Mexico City.

Nakatakda umanong makipagpulong ang Unang Ginang bukas (Nobyembre 24) sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa Philippine International Convention Center sa pagpapasinaya sa bagong stamp sa koreo na maglalarawan ng pagkakaibigan ng bansang Mexico at Pilipinas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply