Fishball vendor itinumba ng bagong laya

NAMATAY ang isang fishball vendor matapos barilin ng bagong layang salarin kagabi (Nobyembre 10) sa Viente Riales Valenzuela City.

Dead on arrival sa Polo Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 na baril sa leeg ang biktimang si Jayson Villanda, 28.

Mabilis na tumakas ang salarin na si Paterno Cabelangan, Jr., 29, alyas “Pusa” na kalalaya lamang sa kulungan sa kasong robbery.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Jojo Sangco ng Station Investigation Division ng Valenzuela police, dakong alas-9:00 ng gabi naganap ang krimen sa isang iskinita papasok sa bahay ng biktima.

Nabatid lasing ang suspek ng nakasalubong nito ang naglalakad na biktma na umanoy nakainom din at sa hindi malamang kadahilan ay nagkaroon ng pagtatalo sa daan  hanggang sa agad nagbunot ng baril si Cabelangan at malapitang binaril sa leeg si Villanda .

Mabilis na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot na buhay habang ang suspek ay mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pamasalang, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply