Fishing frim umapela

ANG legal counsel ng Pesca Maharlika Marine Resources, Inc. ay humingi ng Motion for Reconsideration sa isang ruling ng Department of Labor and Employment (Dole)-NCR na pinagbabayad ang fishing firm ng halagang P13,424,437 sa 278 fish workers dahil diumano sa paglabag sa labor wage standards. Lumabas ang order noong Oktubre 12, 2011.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng 38 fish worker ng fishing firm na tinuligsa diumano ang iligal na pagkakaltas sa kanila ng 20 percent income sa 10 buwang pangingisda sa international waters ng Palawan.

Sa kanyang motion for reconsideration, idiniin ni lawyer Arnold Naval na ang Dole-NCR ay walang jurisdiction sa kaso “because the factual issues involved required examination of evidentiary matters not verifiable in the normal course of inspection.”

“Isang halimbawa, ang NCR inspector ay walang nakuha at naipakitang ebidensiya na nagpapatunay na ang mga fishworker ay talagang empleyado ng Pesca. Ito ay paglabag sa Article 128-B ng Labor Code,” ayon sa kanya.

Sinabi rin ni Naval na ang kaso ay dapat isinumite sa arbitration branch ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Para patunayan ang kanyang posisyon, binanggit ni Naval ang Section 1(a) Rule 3 ng Rules on Disposition of Labor Standards Cases as follows: “In cases where the employer contests the findings of the labor standards in the Regional Offices and welfare officers and the issues cannot be resolved without considering evidentiary matters that are not verifiable in the normal course of inspection, the Regional Director shall endorse such case to the appropriate arbitration branch of NLRC.”

Idiniin din ni Naval na hindi suportado ng anomang ebidensiya ang finding na ang mga nagrereklamong kawani ay Pesca ang direct employer.

Bukod dito, ang computation ng pinababayad sa fishing firm ay hindi rin suportado ng ebidensiya. Humingi ng fair play at katarungan ang legal counsel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply