Flight patungong Hanoi ilulunsad ng Cebu Pacific sa Marso 2012

ILULUNSAD ng Cebu Pacific ang biyahe patungong Hanoi, Vietnam sa ika-17 Marso, 2012.

Dahil dito, ang Cebu pacific ang kauna-unahang airline sa bansa na magkakaroon ng biyahe mula Maynila patungong Hanoi.

Ang biyahe ay dalawang beses sa isang linggo tuwing Martes at Sabado. Aalis ang eroplano ng 10:30 ng umaga at makararating sa Hanoi ng 12:30 ng madaling araw kinabukasan. Ang return flights naman ay bibiyahe ng 1:00 ng umaga tuwing Miyerkules at Linggo at makararating ng Maynila ng ala-singko ng umaga.

Bilang selebrasyon, ang Cebu Pacific ay mag-o-offer ng introductory P888 seat sale mula Nobyembre 3 hanggang 7, para sa pagta-travel ng Marso 17 hanggang Mayo 31, 2012. Ito ay mura kaysa sa regular na year-round fares na nagsisimula sa P2,499.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply