Follow-up sa mamang pulis na nangongotong ng lumpo

BIGYAN muli natin ng daan ang isa pang reaction ng mamang lumpo kaugnay sa patuloy na ginagawang pangongotong ng pulis na si PO3 Rommel Diaz sa Central Market, Andalucia, Quezon Boulevard, Manila.

Ibinulgar din ng mamang lumpo ang isa pa sa mga kinokotongan ni PO3 Diaz.

Bukod sa mamang lumpo ay kinokolektahan din daw ni PO3 Diaz ang mga namemeke ng mga diploma at iba pang mga dokumento sa Central market.

Basahin natin ang reaction ng mamang lumpo.

Salamat po, Sir Johnny, sa paglalathala mo sa Remate kay PO3 Rommel Diaz.

Isa pa, Sir Johnny. Si PO3 Diaz ay nanghihingi ng pera sa mga namemeke ng mga diploma at iba pang mga dokumento rito sa Central Market sa Quezon Blvd.

Dapat nga po ay siya ang mangunang  humuli  sa mga  yun, eh ang siste ay siya pa ang nagsisilbing protector ng mga iligal dito.

Sana po, Sir Johnny, ay magbago na siya (PO3Diaz) sa kanyang ginagawa.

Dahil kawawa ang mga taong kinokotongan niya na parehas na naghahanapbuhay sa maghapon.

Sir Johnny, sana paratingin ninyo kay Pangulong Noynoy Aquino ang ginagawang pangongotong na ito ni PO3 Diaz.

Mabuhay ka Sir..

SUGALAN SA PASAY MAY BLESSING DAW

PATULOY ang pagpapa-loteng ni Carlo Taba sa Pasay City nang hindi man lamang hinuhuli ng mga pulis ng nasabing lungsod.

Halos buong lungsod ng Pasay ang may hawak ng pa-lotteng ni Carlo.

Malakas at malaki ang ibinibigay na lingguhang  intelihensiya ni Carlo kaya hindi ito hinuhuli.

Maging ang tanggapan ni Mayor Tony Calixto ay inutil sa pagsugpo ng pa-loteng ni Carlo.

Mayor, magkano ba? Heheeheeheeh!

oOo

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764,  09266719-269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply